Parang Isang Bula

May mga oras na naiisip ko na ano kayang mangyayari kung mawawala na lang ako na parang isang bula. Tapos pupunta ako sa isang lugar na kung saan walang nakakakilala sakin kahit sino. Walang nakakaalam kung nasaan ako, kahit ang sarili kong pamilya walang idea. Bigla na lang akong hindi mag-eexist dito sa Pilipinas at mawawala na lang akong parang isang bula.

Sisimulan ko ang bago kong buhay sa ibang bansa, gusto ko sa Paris or England. Mamumuhay ako na ako lang mag-isa, walang nakakakilala sakin, tanging sarili ko lang ang kilala ko. Susubukan kong magsimula ulit ng bago kong buhay. Hahanapin ko ang sarili ko, at hahanapin ko rin kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko. Sabi ko nga sa mama ko, “When I turn 25 years old, and nothing good thing/s happened in my life, I want to go to Paris or England to start something new in my life”, at syempre ang sabi lang nila “WALA!” wala silang sinagot sa sinabi ko. Isa kasi sa mga kinatatakutan kong mangyari sakin eh, mamatay akong walang nagawa sa buhay ko. Ung wala man lang akong narating or na-achive habang nabubuhay ako. Kaya ganun na lang akong mag-over-plan and mag-overthink ng buhay ko kahit alam kong malayo pa naman mangyayari un. Kaya minsan sabi ng pamilya ko bakit ang hilig kong problemahin ang mga problema na hindi pa dumadating o malayo pang mangyari.

Hanggat maari kasi ayoko maging happy-go-lucky or umasa kay Batman, hindi rin kasi ako masyadong naniniwala sa “Swerte at Malas” na sinasabi ng mga matatanda at ibang tao, dahil naniniwala ako na sarili natin mismo ang gagawa ng swerte at malas na maaring mangyari sa buhay natin. Gusto ko talagang mawala na parang isang bula dito sa Pilipinas at magsimula ng bago kong buhay sa ibang bansa.

Life is just like a sea, we are moving without an end. Nothing stays with us, what remains is just the memories of some people who touched us as waves.

Justin Timberlake - Suit & Tie ft. Jay-Z

Great song and great collaboration. I like the smooth and sexy voice of Justin and the bad-ass rap of Jay-Z! :’)

Today’s Reality:

beben-eleben:

  • Big house but small family.
  • More education, degrees but less common sense.
  • Advanced medicine but poor health.
  • Touched moon but neighbors unknown.
  • High income but less peace of mind.
  • Lots of human beings but less humanity.

Minsan talaga kahit hindi ako malungkot gusto kong maging malungkot. Wala lang, gusto ko lang maramdaman ang malungkot na emosyon, most of the time kasi masaya ako bihira lang akong makaramdam ng lungkot. Katulad ngayon, gusto kong maramdaman ang malungkot na emosyon kahit wala namang nakakalungkot na nangyari sakin ngayong araw. Makikinig lang ako sa mga malulungkot na kanta at mag-iisip ng mga nakakalungkot na nakaraan. Minsan iniisip ko pa nga na patay na ako, na iiwan ko na ang mundong ibabaw, ini-imagine ko ung mga nakaka-lungkot na iyak ng mga mahal ko sa buhay pero kunwari lang naman.

Nakapagtanto ko na ang sarap pala maramdaman ung mga pakiramdaman na bihira mo lang maramdaman. Na hindi maganda ang laging masaya, dapat kahit papaano may konti lungkot. Naisip ko na parang ang boring ng buhay kung palaging masaya ang nararamdaman ng isang tao, parang walang thrill.

Dreamer

Nagbabalak kami ng Ate kong magpa-tattoo, actually ako lang talaga ang may balak sa pamilya namin, pero since na na-convinced ko na ate ko dalawa na kami. HAHAHA! Pero syempre dahil galing ako sa isang old-fashioned at conservative na pamilya, ayaw pumayag ng parents ko. Ang daming nilang dahilan, kesyo ang pangit daw sa balat, akala daw namin ang gandang tignan at pinababoy lang daw namin ang katawan namin. Pero pumayag man sila o hindi magpapa-tattoo pa rin ako, nasa tamang edad na naman ako at may sarili na akong pag-iisip and wala namang mali sa gagawin ko dahil wala naman akong masasagasaang tao or something eh. Kaya why so oa mama and papa? HAHAHA!

Matagal na akong nag-iisip ng ipapatattoo ko, gusto ko isang word lang na talagang mag-dedescribe sa sarili ko. So naisip ko na ang word na “DREAMER” ang papa-tattoo ko, dahil kung tatanungin ako kung ano ang pangarap ko sa buhay hindi lang isa, dalawa o tatlo ang masasabi ko kundi marami, marami akong pangarap sa buhay. Ang daming ko talagang pangarap na gusto kong gawin, kaso sa dami ng pangarap ko hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko at paano ko tutuparin. Parang nakakapagod at nakakatamad nu, dahil ang dami kong pangarap pero sabi ko sarili ko na “Wag na wag mapapagod, lalo na kung ung hinahabol ko eh ung pangarap ko” para kasi sakin hangga’t nangangarap ang isang tao, hindi sila nawawalan ng pag-asa. Pag-asang yumaman, gumaling sa sakit nila, umunlad at higit sa lahat pag-asang mabuhay.

Basta magpapa-tattoo ako this month or next month, bahala na si batman kung magalit man ang mama’t papa ko sa gagawin ko. Minsan lang naman akong hindi sumunuod sa gusto nila eh, kaya okay lang ‘to siguro. Paano kasi ang mind set-up ng magulang ko sa may mga tattoo, emo, pariwara, rockers, rebelde at kung anu-ano pang negative. Ito nga pala ang balak kong ipatattoo soon!

I watched Les Misérables. Truly, honestly and absolutely the greatest film of the decade so far. Hugh Jackman and Anne Hathaway gave an outstanding performance! And I like the version of Samantha Barks of “On My Own”, so emotional.

Ang kagandahan mo ay RATED SPG. Striktong Patnubay ng Magulang ang kailangan. Maaaring may magulat, may hihimatayin at may mamatay.

Friend

Pelikula

Sa pamilya namin ako lang talaga ang mahilig manuod ng pelikula, kung hindi ko pa sila pipilitin eh, hindi talaga sila manunuod. Ang nakakatuwa pa dun, pagkatapos nilang mapanuod ang isang pelikula sabay-sabay nilang sasabihin na “Ang ganda pala nyan!” tapos mga 2 araw pa bago sila maka-move on sa napanuod nila. HAHAHA! Favorite past time ko talaga ang manuod ng mga pelikula, minsan pa nga movie marathon pa akong mag-isa ung tipong mga 5 pelikula ung papanuorin ko ng sunod-sunod, ihi lang ang pahinga. HAHAHA! Pero bago ko ipanuod sa pamilya ko ang isang pelikula, papanuorin ko muna tapos pag tinanong nila “Napanuod mo na ba yan?” syempre sasabihin ko “Hindi” para kunwari lahat kami ay clueless. Pero ang hindi nila alam napanuod ko na pala at nagpapanggap lang akong hindi.

Hindi ako mahilig manuod ng pelikulang pilipino, para sakin ang boring at pare-parehas lang ang story sequence. Mas gusto ko pa din talaga ang mga English movies. May mga gusto din naman akong pelikulang pilipino pero ung mga panahon pa nila Babalu, Redford White, Dolphy at ung mga pelikulang kabataan pa nila Camille Pratz. Oo mga lumang pelikulang pilipino ang mas gusto ko, mas nakakatawa kasi at mas maganda ang istorya hindi katulad ng mga pelikula ngayon.

Society taught me that no matter what size I am, I will never be good enough. I’ll always be too skinny, too fat, too short, too tall … too this, too that.